Balai Laiya, San Juan, Batangas. November 13-24, 2010.
My first time in Batangas. Thanks to the SOC pipz for making me a guest of the event.
Part 3
Isang umaga ay may babaeng dumalaw sa aming tahanan. Kasalukuyan naman akong nasa grocery store dahil naisipan ko kasing magluto ng masarap na sinigang na isa kong specialty. Tumawag ang mama ko. Isang engineer daw na babae ang dumating sa bahay. Pero di naman nya nabanggit kung ano ang pangalan ng bisita ko.
Sa byahe pauwi. Nasa isip ko na baka ang kaibigan kong si Rennie ang dumating sa bahay. Isa na siguro syang Electrical Engineer. Pag dating ko sa bahay, isang laking gulat ko na inde pala si Rennie ang bisita. Kundi isa pala sa aking bahagi ng nakaraan. Isa na syang ganap na Electronic Communication Engineer. Nagulantang ako sa mga nangyari. Si Mama na lang ang nakapagluto ng sinigang.
Sa may hardin dun kami nag-usap ni Engr. Shane Gutierrez. Isang pagkakataon na nangyari na mag usap kami ng personal. Malaki na ang pinabago nya. Unang una iba na ang surname nya, samantalang dati nung college ibang iba sya. Hiwalay pala sya sa asawa nya ngayon. Napagkwentuhan lang namin ang mga kasalukuyan lagay ng buhay. Pilit ko namang nililihis ang usapan pag binubuksan nyang pag usapan namin ang mga di magandang nakaraan. Di nya natiis at tumaas na ang kanyang boses upang pigilan ako sa paglihis ng mga topic. Nasabi ko na lang sa kanya na “walang kakayahan ang tao na ibalik ang nakaraan at itama ang mga nakaraang pagkakamali.” Sa tagpo na yun ay biglang tumahimik at nakita ko sa kanyang mata ang paglingid ng mga luha. Nabasag ang katahimikan ng my tumawag sa amin upang kaumain na ng hapunan. Bigla naman nyang dinampi ng kanyang panyo ang kanyang mga mata. Sinabi nyang napuwing lang daw sya. Sa sarili ko alam kong dinampian nya ang kanyang luha.
Agad naman kaming pumunta sa dinner area para kumain. Nakipagkwentuhan rin sa kanya si mama. Ang daming tanong ni mama sa kanya kasi kahit noong araw ay di pa nya ito nakita na nakasama ko o naikwento ko man lang.
Pagkatapos ng dinner ay nagpaalam na sya. Inihatid ko naman sya sa kanyang kotse. Nakita ko dun ang isang familiar na stuff toy, naalala ko na regalo ko sa kanya yun dati. Tinawag nya akong “cloud” tawag nya saken noon. Sabi ko inde ako ayun, sinabi ko sa kanya “I’m not cloud. Please call me on my name.” Ngumiti sya nun at inalok nya ko na sana magkaron kami ng time na makapagsimba sabi ko makakabuti kung mag isa na lang sya para maging solemn. Nagpaalam na kami sa isat isa, nagpasalamat na rin ako sa kanyang pagdalaw.
Umalis na si Engr. Shane Gutierrez sakay ng kanyang kotse.
::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
Part 4
Ako na ang nagkusang magsara
Part 1
Nagising na lang ako sa isang ospital. Medyo gulat at maraming tanong. Pagud na pagod ang katawan ko na nakhiga sa isang putting higaan. Pinagmasdan ko ang kapaligiran. Nakita ko na lang si Dung tulog sa isang tabi. Di lumaon na pagtanto ko nasa loob pala ako ng isang silid ng ospital at ako ang pasyente. Akala ko nanaginip lang ako.
Sinubukan ko alalahanin kung ano ang dahilan napunta ako ditto. Habang tumatagal sumakit ang ulo ko at tinawag ko si Dung. Nagising sya at sa sobrang sakit ng ulo ko nakatulog na pala ako.
Pagkagising kong muli. Andun na si Dung kasama si Tim. Isang linggo daw pala akong walang malay at nasa ospital na yun. Inis na inis ako dahil ayoko sa ospital at kung anu-ano pang mga nakakabit sa katawan ko.
Ang huli kong naalala ay kausap ko sit Tim sa cellphone. Kababa ko lang sa airport nun at kasasakay lang sa kotse.
Umuwi ako sa Pilipinas dahil sa kasal ng isang kaibigan, business transaction at ang pinakahuli ay ang magbakasyon ng engrande. Syempre ilang taon din ako nawala at puro trabaho na lang ang inatupag.
Si Tim ay isang business partner ko sa negosyo. Sya rin ang namamahala ng business namin sa stock market. Parehas kaming imbetado sa kasal at parehas nmin na isipang magbakasyon at umuwi ng 2 months before the wedding day. Nauna sya saken ng Two days at nasa probinsya. Di kami sabay ng flight dahil nanggaling pa sya ng Korea at ako naman ay galling pa ng New York at Singapore. Sya ang una kong tinawagan ng pagkababa ko sa eroplano. Hanggang dun na lang yung huli kong naalala.
Ang daming tanong sa isip ko kung ano bat alga ang nangyari at nandito ako sa ospital. Si Dung na nagkwento sakin. Tumawag daw si Tim sa kanya na sinugod daw ako sa ospital. Ang alam lang daw ni Tim ay bigla na lang syang may narinig na pagsabog at may tumawag na lang sa kanya na mga rescuers at nasa ospital na nga raw ako.
Isang aksidente pala ang nangyari. Bumangga ang sinsakyan kong taxi sa isang trak. Palaisipan pa rin ang nangyari kung pano ko nagawang maka survive sa accident na yun. Pagkatapos kasing bumangga ng trak ay sumabog ito.
:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
Part 2
Halos isang lingo din pala akong tulog. Si dung, sinabi nya sakin ang maraming bisista na dumating. Karamihan daw ay di nya mga kilala at basta ay kilala na lang daw ako.
Mabuti naman at di naman malaki ang nakuha kong damage. Halos mga minor lang. ilang galos lang din. Pero pahirap saken na kelangan ko pa ng theraphy para makalad ulit ako ng maayos.
Dahil conscious na ko kaya pinatanggal ko na ang mga dextrose at kung anu-ano pang nakalagay sa katawan ko. 3 days to go at makakauwi na ko sa bahay namin sa probinsya. Kelangan makarecover ako within 1 month para makatuloy sa kasalan.
Sa ospital, kinausap ko ang attending Physician ko. Nung wala pa kong malay ay gumawa sila ng mga ilang diagnosis. Sa findings, nakita nila na masama ang na kondisyon ng sakit ko. Ipinayo nya saken na dapat na akong maoperahan. Tinanong ko ang doctor kung sino ang nakakaalam ng tunay na kalagayan ng sakit ko. Si Tim lang daw ang napagsabihan nila ng tungkol sa medical records ko. Sabagay noon pa man ay alam na talga nya ang totoo kong sakit.
Bata pa ko nun ng matuklasan ang sakit ko sa puso. Wala kasi kaming pera noon pangpagamot kaya lumala ng tumagal. Kahit may pera naman ako ngayon, ayokong magpaopera. Lubhang napakadelikado ng nasabing operation at posibleng di na rin ako magising.
Ipinagbilin ko sa kanya na ilihim ang totoo kong medical records.
Umuwi na kami ng probinsya. Ang dami rin dumalaw saken dun sa ospital.
Napakaganda pa rin talgang umuwi sa sariling bayan. Sigurado ako na mapapabilis ang pagrecover ko nito. Sabagay purpose ko rin naman magpahinga habang nandito sa Pilipinas.
::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::