Part 3
Isang umaga ay may babaeng dumalaw sa aming tahanan. Kasalukuyan naman akong nasa grocery store dahil naisipan ko kasing magluto ng masarap na sinigang na isa kong specialty. Tumawag ang mama ko. Isang engineer daw na babae ang dumating sa bahay. Pero di naman nya nabanggit kung ano ang pangalan ng bisita ko.
Sa byahe pauwi. Nasa isip ko na baka ang kaibigan kong si Rennie ang dumating sa bahay. Isa na siguro syang Electrical Engineer. Pag dating ko sa bahay, isang laking gulat ko na inde pala si Rennie ang bisita. Kundi isa pala sa aking bahagi ng nakaraan. Isa na syang ganap na Electronic Communication Engineer. Nagulantang ako sa mga nangyari. Si Mama na lang ang nakapagluto ng sinigang.
Sa may hardin dun kami nag-usap ni Engr. Shane Gutierrez. Isang pagkakataon na nangyari na mag usap kami ng personal. Malaki na ang pinabago nya. Unang una iba na ang surname nya, samantalang dati nung college ibang iba sya. Hiwalay pala sya sa asawa nya ngayon. Napagkwentuhan lang namin ang mga kasalukuyan lagay ng buhay. Pilit ko namang nililihis ang usapan pag binubuksan nyang pag usapan namin ang mga di magandang nakaraan. Di nya natiis at tumaas na ang kanyang boses upang pigilan ako sa paglihis ng mga topic. Nasabi ko na lang sa kanya na “walang kakayahan ang tao na ibalik ang nakaraan at itama ang mga nakaraang pagkakamali.” Sa tagpo na yun ay biglang tumahimik at nakita ko sa kanyang mata ang paglingid ng mga luha. Nabasag ang katahimikan ng my tumawag sa amin upang kaumain na ng hapunan. Bigla naman nyang dinampi ng kanyang panyo ang kanyang mga mata. Sinabi nyang napuwing lang daw sya. Sa sarili ko alam kong dinampian nya ang kanyang luha.
Agad naman kaming pumunta sa dinner area para kumain. Nakipagkwentuhan rin sa kanya si mama. Ang daming tanong ni mama sa kanya kasi kahit noong araw ay di pa nya ito nakita na nakasama ko o naikwento ko man lang.
Pagkatapos ng dinner ay nagpaalam na sya. Inihatid ko naman sya sa kanyang kotse. Nakita ko dun ang isang familiar na stuff toy, naalala ko na regalo ko sa kanya yun dati. Tinawag nya akong “cloud” tawag nya saken noon. Sabi ko inde ako ayun, sinabi ko sa kanya “I’m not cloud. Please call me on my name.” Ngumiti sya nun at inalok nya ko na sana magkaron kami ng time na makapagsimba sabi ko makakabuti kung mag isa na lang sya para maging solemn. Nagpaalam na kami sa isat isa, nagpasalamat na rin ako sa kanyang pagdalaw.
Umalis na si Engr. Shane Gutierrez sakay ng kanyang kotse.
::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
Part 4
Ako na ang nagkusang magsara
No comments:
Post a Comment