Tuesday, March 16, 2010

Farewell story part 1 and part 2

Part 1

Nagising na lang ako sa isang ospital. Medyo gulat at maraming tanong. Pagud na pagod ang katawan ko na nakhiga sa isang putting higaan. Pinagmasdan ko ang kapaligiran. Nakita ko na lang si Dung tulog sa isang tabi. Di lumaon na pagtanto ko nasa loob pala ako ng isang silid ng ospital at ako ang pasyente. Akala ko nanaginip lang ako.

Sinubukan ko alalahanin kung ano ang dahilan napunta ako ditto. Habang tumatagal sumakit ang ulo ko at tinawag ko si Dung. Nagising sya at sa sobrang sakit ng ulo ko nakatulog na pala ako.

Pagkagising kong muli. Andun na si Dung kasama si Tim. Isang linggo daw pala akong walang malay at nasa ospital na yun. Inis na inis ako dahil ayoko sa ospital at kung anu-ano pang mga nakakabit sa katawan ko.

Ang huli kong naalala ay kausap ko sit Tim sa cellphone. Kababa ko lang sa airport nun at kasasakay lang sa kotse.

Umuwi ako sa Pilipinas dahil sa kasal ng isang kaibigan, business transaction at ang pinakahuli ay ang magbakasyon ng engrande. Syempre ilang taon din ako nawala at puro trabaho na lang ang inatupag.

Si Tim ay isang business partner ko sa negosyo. Sya rin ang namamahala ng business namin sa stock market. Parehas kaming imbetado sa kasal at parehas nmin na isipang magbakasyon at umuwi ng 2 months before the wedding day. Nauna sya saken ng Two days at nasa probinsya. Di kami sabay ng flight dahil nanggaling pa sya ng Korea at ako naman ay galling pa ng New York at Singapore.  Sya ang una kong tinawagan ng pagkababa ko sa eroplano. Hanggang dun na lang yung huli kong naalala.

Ang daming tanong sa isip ko kung ano bat alga ang nangyari at nandito ako sa ospital. Si Dung na nagkwento sakin. Tumawag daw si Tim sa kanya na sinugod daw ako sa ospital. Ang alam lang daw ni Tim ay bigla na lang syang may narinig na pagsabog at may tumawag na lang sa kanya na mga rescuers at nasa ospital na nga raw ako.

Isang aksidente pala ang nangyari. Bumangga ang sinsakyan kong taxi sa isang trak. Palaisipan pa rin ang nangyari kung pano ko nagawang maka survive sa accident na yun. Pagkatapos kasing bumangga ng trak ay sumabog ito.

:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

Part 2

Halos isang lingo din pala akong tulog. Si dung, sinabi nya sakin ang maraming bisista na dumating. Karamihan daw ay di nya mga kilala at basta ay kilala na lang daw ako.

Mabuti naman at di naman malaki ang nakuha kong damage. Halos mga minor lang. ilang galos lang din. Pero pahirap saken na kelangan ko pa ng theraphy para makalad ulit ako ng maayos. 

Dahil conscious na ko kaya pinatanggal ko na ang mga dextrose at kung anu-ano pang nakalagay sa katawan ko. 3 days to go at makakauwi na ko sa bahay namin sa probinsya. Kelangan makarecover ako within 1 month para makatuloy sa kasalan.  

Sa ospital, kinausap ko ang attending Physician ko. Nung wala pa kong malay ay gumawa sila ng mga ilang diagnosis. Sa findings, nakita nila na masama ang na kondisyon ng sakit ko. Ipinayo nya saken na dapat na akong maoperahan. Tinanong ko ang doctor kung sino ang nakakaalam ng tunay na kalagayan ng sakit ko. Si Tim lang daw ang napagsabihan nila ng tungkol sa medical records ko. Sabagay noon pa man ay alam na talga nya ang totoo kong sakit.

Bata pa ko nun ng matuklasan ang sakit ko sa puso. Wala kasi kaming pera noon pangpagamot kaya lumala ng tumagal. Kahit may pera naman ako ngayon, ayokong magpaopera. Lubhang napakadelikado ng nasabing operation at posibleng di na rin ako magising.

Ipinagbilin ko sa kanya na ilihim ang totoo kong medical records.

Umuwi na kami ng probinsya. Ang dami rin dumalaw saken dun sa ospital.

Napakaganda pa rin talgang umuwi sa sariling bayan. Sigurado ako na mapapabilis ang pagrecover ko nito. Sabagay purpose ko rin naman magpahinga habang nandito sa Pilipinas.

::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

No comments:

Post a Comment