Showing posts with label macornyito. Show all posts
Showing posts with label macornyito. Show all posts

Tuesday, January 25, 2011

vanita sa panginip.

vanita sa panaginip

nakakatuwang isipin nung nakaraang linggo e nagawa kitang mapanaginipan. ayun lumuluha ulit ako. pagkagising ko kahit ako nagtataka kung bakit. ang tinatanong ko sa sarili kung bakit nga ba. dahil ba sa di ko man lang nasabi sayo ang laman ng damdamin ko. pinagsisihan ko ba ngayon ang di ko nagawang sabihin sayo ang totoong nadarama?

mahal kita o minahal kita. ang pag-ibig ko sayo ay isang trahedya. minahal kita dati yun ang totoo o yun ang gusto kong tanggapin na katotohanan. malabo na mag usbong ang pag-iibigan sa atin. isang bagay lang ang malinaw, sa pitong taon pangalan mo ang naging password ko, sa pitong taon naging laman ka ng puso ko, sa pitong taon na inspire ako sayo at marami pa.

my ngiti pa rin sa labi ko pag naalala ko ang damdamin ko sayo. isang napakagandang alaala.

masaya ako para sa'yo vanita.. ay mali Ruffa Vanni pala, ah hindi VANITA, tama vanita ang pangalan ang ibinigay ko sayo at ako lang ang may karapatan tumawag sa'yo nun. masaya ako at nasa relationship ka na. masaya ako para sa'yo. masaya na naman tayo sa mga buhay buhay natin kaya tuloy pa rin ang buhay.

sa susunod.. sana magkwentuhan at magtawanan naman tayo minsan, at sana tears of joy naman yun 

hanggang sa muli vanita.... hanggang sa muli sa dati kong pag-ibig, PAALAM..




Tuesday, September 8, 2009

salamat at nakilala kita

maliit lang talaga ang mundo.... kagaya mo.

napakaikli na nang nalalabing sandali at hanggang ngayon ay di ko pa rin magawang masabi sa'yo kung ano ka nga ba sa buhay kong ito.

masaya na ko sa simpleng bagay na nagkaron ako ng pagkakataon na makasama at makapiling kita. sana maulit pa ng maraming beses o walang wakas ang mga bagay na yun.

----

bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita ko ang mga ngiti sa'yong mga labi at lalo kapag ay tumatawa lalo pag nagkukulitan tau at mdalas kang mapikon,ang saya nun.

----

nkakalungkot man na walang bagay sa mundong ito ang nagtatagal. paparating na ang sandali at tayo ay magkakalayo na. kung ano man ang mangyayari sa mga buhay natin balang araw sana ay muli kitang makapiling.

 

kung may pagkakataon lang na mabubuhay taung muli......... sana ikaw at ako ang unang nagkakilala at sana sa pagkakataon na un ay matanggap mo na ako si beast at ikaw beauty ng buhay ko.......tnx God i met her.