Tuesday, October 25, 2011

so far maayos pa ang luto ko. mahilig silang magrequest ng luto buti na lang my video sa youtube kung pano gawin. naks nagleleveling ang cooking skills ko, inde lang sinigang ang alam kong gawin.

Friday, September 9, 2011

sa pagsusulat ng blog

mahirap magsulat sa wikang inde mo na nakasanayan. sinusulat ko ang aking blog sa wikang ingles. pagkat ang ingles ay lengwaheng alam ng nakakarami sa buong mundo. nagsusumikap akong ipahayag ng maigi ang mga bagay na gusto kong ipaliwanag sa aking blog. inde madaling magsulat. lalo na sa katulad kong bibihira lang magsulat.

ang mga kasalukuyan ko lang isinusulat sa aking blog ay ang mga karanasan ko sa iba't ibang lugar na aking napuntahan. hinde ko pa hayagan naipapahayag sa lahat ng mga taong nakakakilala sa akin na meron akong blog. nakakahiya kung mababasa nila na may mali sa mga pagsusulat ko sa ingles. pagkat karamihan sa aking mga kaibigan ay ituturing na isang intelehenteng tao ang pagsasalita o ang pagsusulat ng ingles ngunit sa aking pananaw ito ay mali.hinde sa pagsasalita o pagsusulat ng wikang banyaga masusulat ang paggiging intelehente ng isang tao.

sa kasalukuyan ay isunusulat ko ang isang article para sa aking blog.

iniisip ko rin na sino pa kayang tao ang maaring makatulong sa akin sa pagba-blog. ang lahat ng aking binubuno sa blog ay puro personal na pananaliksik at sa tulong na rin ng isang kaibigan na si chame, walang sawa sa pagbibigay sa akin ng tips.

kung sino man sa mga makakabasa ng post ko na ito at gustong magbahagi ng artilce ay wag mahiyang ipagpaalam sa akin.

Tuesday, August 30, 2011

Sunday, August 21, 2011

writing blog for monetary purpose

yesterday i launched my first blog. i admit that i'm not fluent in english but i was forced to write in english for the general reader from around the world. i'm relying to my friends for proper editing and critic review of my work.

today, i'm now thinking how to add traffic and what topic is best for my new articles. 

for those interested in my new blog just simply click the link.

Sunday, August 14, 2011

she's will be one of my cases..

my instinct is telling me that white woman is one of my cases.

it's just like a glimpse of my future case here in U.S.

The wind blows again in another horizon. Hmm.. Well, let it be.

Friday, July 22, 2011

Tuesday, July 19, 2011

my initial life plan

1. gusto ko by age of 50s or 60s ay magtuturo aq sa isang college. sharing my knowledge based on my experiences. siguro dapat makakuha aq ng masteral. pero prefer ko pa rin sana sa TCMC or URS aq makapagturo someday.

2. magtatayo aq ng isang business na papalaguin para dun q kunin ang pagpapatayo ko ng isang foundation. foundation para sa mga kabataan na naligaw ang landas. si roner ang gagawin kong director ng foundation,hehehehe

3. magpapatayo aq ng sarili kong villa na may malaking malaking malaking kusina para inde aq mahirapan magluto. at syempre ung my malaking ref na connected na rin sa internet.

4. ipag-woworld tour q si mama at pagsasawain magcasino,hahaha(pampalibang lang ung casino)

5. mag-iipon aq ng pera at bibili aq ng stocks!(meralco, tcmc, manila water and etc.)

6. sana mabili ko ung lupa dun sa lugar na malapit sa palayanan na pinaglalaruan ko nung bata aq.

7. ibibili ko ang kuya bong ko ng isang malaking van!! at isang supply ng growing shampoo. at isang bahay para di na palipatlipat ng apartment.

8. gusto kong mag sponsor ng scholarship sa mga pinsan, kamag-anak at ung gustong mag-aral.

9. travel ang favorite libangan ko kaya sana balang araw malibot ko ang buong mundo with friends!!(oh Rome your the next project!)

10. gusto kong maka attend at magbigay ng speech sa kasal ni Francis!!!


Friday, July 15, 2011

moment of miss

it's been two months since i came here in U.S.

It's a different story, a different life.

I now have my homesickness.. I miss my dear friends and gimmick time with ate chen and roner. 

I miss talking to roner specially in this time that i need to consult him.

I miss my previous life in manila. I miss to surprise my friends...

Thursday, June 23, 2011

Barasenian Event

Start:     Jul 2, '11 01:00a
End:     Jul 3, '11 12:00a
Location:     Los Angeles, California
Meeting Fil-Am community specially barasenian folks.

Thursday, June 9, 2011

i write a blog... i write a blog.

ito ang unang blog ko na may kinalaman sa bago kong tahanan.

pauna pa lamang itong sulatin na ito at marami pang susunod na gusto kong isulat na may kinalaman sa last espisodes ko sa pilipinas.

ito ako ngayon sa america nagsisimula ng bagong buhay. malayong malayo sa nakagihasnang kong buhay. sabagay pinili ko rin na magtungo dito, isa kasi akong bigo sa pilipinas kaya ito ako ngayon nasa ibayong dagat at hinahanap ko kung anong halaga ko bilang isang tao, bilang isang nilalang sa ilalim ng bughaw na kalangitan.

pag dumating na siguro ang laptop ko at makabalik na muli ako sa cyber world ay siguro sisimulan ko na ang pinaplano kong magseryoso sa paggawa ng blog at ang pagkakitaan ito. Yung kagaya ng pinaplano kong online business na matagal ko rin naibahagi sa isa sa mga pinakamatalik kong kaibigang si roner.

panahon na rin siguro na ibahin ko na ang disenyo ng aking blog sa multiply at palawigin pa ang mga taong maaring makabasa pa nito.

Wednesday, April 20, 2011

pamamaalam...sana mabasa nya ang blog n ito. :-)

kaibigan, 

ayokong mawalan ng kaibigan

nais ko sana ikaw ay makasama at makapagpaalam sa iyo ng personal.

sa ngayon gumugulo sa aking isipan kung ano nga ba ang mga katagang dapat kong isambit, lalo na sa mga tanong mong humihingi ng kaagarang kasagutan. 

nararandaman kong marming kaguluhan sa iyong kaisipan at minabuti ko munang tumahik upang sa'yo ay di na makaabala.

hanggang ngayon hinihintay ko pa ang...

(paumanhin sa mga nagbabasa, dahil sa sensitibo ng situation ngaun ay kasalukuyan di muna nakapost ang huling bahagi)

Love and friendship are both weird. a very very weird... super weird... super duper weird!!!!

Tuesday, March 22, 2011

pag gunita sa pag aapply kay accenture

naalala ko nung mga panahong nagsisimula kaming maghanap ng trabaho. kakatapos lang ng thesis pero nagpaplano na kaming maghanap ng work at ang accenture ang nasa first list namin.

nagplano kami ng maigi kung ano ang mga dapat gawin. nagreview at nagbasa ng mga tips sa pag aapply at pag iinterview. naka set ng lahat, lumuwas kaming tatlo ni na lorie at ybeth.

wala pa kaming budget nung mga panahong yun kaya super tipid ang ginawa namin. sa makati ang una naming destination. nakakaba ang exam at ang paghintay ng result. sa sobrang kaba ay nanginig talaga ang kamay at panga ko. gusto ko na talaga kasing magkatrabaho after ng graduation.

ayun pinalad naman at natanggap kami ni ybeth. inde pa ko na interview kasi kelangan pang graduated na. graduation day, may nareceive akong call at schedule ng interview ko kinabukasan. pinagpala at nakapasa ako.  

Tuesday, January 25, 2011

vanita sa panginip.

vanita sa panaginip

nakakatuwang isipin nung nakaraang linggo e nagawa kitang mapanaginipan. ayun lumuluha ulit ako. pagkagising ko kahit ako nagtataka kung bakit. ang tinatanong ko sa sarili kung bakit nga ba. dahil ba sa di ko man lang nasabi sayo ang laman ng damdamin ko. pinagsisihan ko ba ngayon ang di ko nagawang sabihin sayo ang totoong nadarama?

mahal kita o minahal kita. ang pag-ibig ko sayo ay isang trahedya. minahal kita dati yun ang totoo o yun ang gusto kong tanggapin na katotohanan. malabo na mag usbong ang pag-iibigan sa atin. isang bagay lang ang malinaw, sa pitong taon pangalan mo ang naging password ko, sa pitong taon naging laman ka ng puso ko, sa pitong taon na inspire ako sayo at marami pa.

my ngiti pa rin sa labi ko pag naalala ko ang damdamin ko sayo. isang napakagandang alaala.

masaya ako para sa'yo vanita.. ay mali Ruffa Vanni pala, ah hindi VANITA, tama vanita ang pangalan ang ibinigay ko sayo at ako lang ang may karapatan tumawag sa'yo nun. masaya ako at nasa relationship ka na. masaya ako para sa'yo. masaya na naman tayo sa mga buhay buhay natin kaya tuloy pa rin ang buhay.

sa susunod.. sana magkwentuhan at magtawanan naman tayo minsan, at sana tears of joy naman yun 

hanggang sa muli vanita.... hanggang sa muli sa dati kong pag-ibig, PAALAM..